Mga Awit 147:3-6 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

3. At ang mga pusong wasak ay kanya ring lulunasan,ang natamo nilang sugat ay bibigyang kagalingan.

4. Alam niya't natitiyak ang bilang ng mga bituin,isa-isang tinatawag, sa pangala'y itinuring.

5. Si Yahweh na ating Diyos ay dakila at malakas,taglay niyang karunungan, hinding-hindi masusukat.

6. Taong mapagpakumbabá'y siya niyang itataas,ngunit lahat ng mayabang sa lupa ay ibabagsak.

Mga Awit 147