Mga Awit 147:2-5 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

2. Ang lunsod ng Jerusalem, muli niyang ibabalik,sa kanyang mga lingkod, na natapon at nalupig.

3. At ang mga pusong wasak ay kanya ring lulunasan,ang natamo nilang sugat ay bibigyang kagalingan.

4. Alam niya't natitiyak ang bilang ng mga bituin,isa-isang tinatawag, sa pangala'y itinuring.

5. Si Yahweh na ating Diyos ay dakila at malakas,taglay niyang karunungan, hinding-hindi masusukat.

Mga Awit 147