Mga Awit 146:1-5 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Purihin si Yahweh!Purihin mo si Yahweh, O aking kaluluwa!

2. Pupurihin siya't aking aawitan;aking aawitan habang ako'y buháy.

3. Sa mga pangulo'y huwag kang manghahawak,kahit sa kaninong di makapagligtas;

4. kung sila'y mamatay, balik sa alabok,kahit anong plano nila'y natatapos.

5. Mapalad ang tao, na ang kanyang Diyos na laging katulong ay ang Diyos ni Jacob;sa Diyos na si Yahweh, umaasang lubos,

Mga Awit 146