Mga Awit 143:1-3 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Dinggin mo, O Yahweh, ang aking dalangin,tapat ka't matuwid, kaya ako'y dinggin.

2. Itong iyong lingkod, huwag mo nang subukin,batid mo nang lahat, kami ay salarin.

3. Ako ay tinugis ng aking kaaway,lubos na nilupig ng aking kalaban;sa dilim na dako, ako ay nakulong,tulad ko'y patay nang mahabang panahon.

Mga Awit 143