Mga Awit 139:17-20 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

17. Tunay, Yahweh, di ko kayang maabot ang iyong isip,ang dami ng iyong balak ay hindi ko nababatid;

18. kung ito ay bibilangin, ay sindami ng buhangin,sasaiyo pa rin ako kung umaga na magising.

19. Ang hangad ko, aking Diyos, patayin mo ang masama,at ang mga mararahas ay iwanan akong kusa.

20. Mayroon silang sinasabing masasama laban sa iyo,at kanilang dinudusta, pati na ang pangalan mo.

Mga Awit 139