Mga Awit 127:1-2 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Maliban nga na si Yahweh ang nagtatag nitong bahay,ang ginawa ng nagtayo ay wala ring kabuluhan;maliban nga na si Yahweh ang sa lunsod ay gumabay,ang pagmamasid ng bantay ay wala ring saysay.

2. Hindi dapat pakahirap, magpagal sa hanapbuhay;maaga pa kung bumangon, gabing-gabi kung humimlay,pagkat pinagpapahinga ni Yahweh ang kanyang mahal.

Mga Awit 127