Mga Awit 12:1-4 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. O Yahweh, kami sana'y iligtas mo! Pagkat wala na ngayong mabuting tao,wala nang taong tapat at totoo.

2. Nagsisinungaling silang lahat sa isa't isa,nagkukunwari at nagdadayaan sila.

3. Patigilin mo, Yahweh, ang madaldal na dila,at sarhan ang bibig ng hambog magsalita;

4. silang laging nagsasabi,“Kami'y magsasalita ng nais namin;at sa gusto nami'y walang makakapigil!”

Mga Awit 12