Mga Awit 114:1-4 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Ang bayang Israelsa bansang Egipto'y kanyanginilabas,nang ang lahing itosa bansang dayuhan lahat ay lumikas.

2. Magmula na noonang lupaing Juda'y naging dakong banal,at bansang Israelginawa ng Diyos na sariling bayan.

3. Ang Dagat ng Tambo,nang ito'y makita, nagbigay ng daan,magkabilang panigng Ilog ng Jordan ay tumigil naman.

4. Maging mga bundok,katulad ng tupa, ay pawang nanginig,pati mga burol,nanginig na parang tupang maliliit.

Mga Awit 114