Mga Awit 106:41-44 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

41. Sa bansang kaaway itong bayan niya'y ipinaubaya,sila ay nasakop at ang mga Hentil ay siyang namahala.

42. Inalipin sila at pinahirapan ng mga kaaway,pinasuko sila't ipinailalim sa kapangyarihan.

43. Hindi na miminsan, marami nang beses iniligtas sila,naghimagsik pa rin, kaya naman sila'y lalong nagkasala.

44. Gayunman, hindi rin tinitiis ng Diyos, kapag nananambitan,dinirinig niya't sa taglay na hirap kinahahabagan.

Mga Awit 106