Mateo 24:11-15 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

11. Marami ang magpapanggap na propeta at ililigaw ang mga tao.

12. Ang kasamaa'y lalaganap, kaya't manlalamig ang pag-ibig ng marami.

13. Ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas.

14. Ipapangaral sa buong sanlibutan ang Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Diyos upang ang lahat ng bansa ay makarinig nito. At kung maganap na ito, darating na ang katapusan.”

15. “Unawain ninyo itong mabuti: kapag nakita ninyong nagaganap na sa Dakong Banal ang kasuklam-suklam na kalapastanganang tinutukoy ni Propeta Daniel,

Mateo 24