Mateo 20:31-33 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

31. Pinagsabihan sila ng mga tao at pinapatahimik, ngunit lalo silang nagsisigaw, “Panginoon, Anak ni David, mahabag po kayo sa amin!”

32. Tumigil si Jesus, tinawag sila at tinanong, “Ano ang gusto ninyong gawin ko para sa inyo?”

33. Sumagot sila, “Panginoon, gusto po naming makakitang muli!”

Mateo 20