Mateo 13:14-16 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

14. Natutupad nga sa kanila ang propesiya ni Isaias na nagsasabi,‘Makinig man kayo nang makinig subalit hindi ninyo mauunawaan kailanman,at tumingin man kayo nang tumingin subalit hindi rin kayo makakakita kailanman.

15. Sapagkat naging mapurol na ang isip ng mga taong ito;mahirap makarinig ang kanilang mga tainga,at ipinikit nila ang kanilang mga mata,kung hindi gayon, sana'y nakakita ang kanilang mga mata,nakarinig ang kanilang mga tainga,nakaunawa ang kanilang mga isip,at nagbalik-loob sila sa akin,at pinagaling ko sila.’

16. “Subalit mapalad kayo sapagkat nakakakita ang inyong mga mata at nakakarinig ang inyong mga tainga!

Mateo 13