33. Halos lahat ng mga tagaroon ay nagkatipon sa harap ng bahay.
34. Pinagaling ni Jesus ang maraming maysakit, anuman ang kanilang karamdaman. Pinalayas din niya ang mga demonyo, at hindi niya hinayaang magsalita ang mga ito sapagkat alam nila kung sino siya.
35. Madaling-araw pa'y bumangon na si Jesus at nagpunta sa isang lugar kung saan maaari siyang manalanging mag-isa.
36. Hinanap siya ni Simon at ng mga kasama nito, at
37. nang matagpuan siya ay sinabi nila, “Hinahanap po kayo ng mga tao.”