20. Dahil dito'y ipinabilanggo ni Herodes si Juan, at ito'y nadagdag pa sa mga kasalanan ni Herodes.
21. Nang mabautismuhan na ni Juan ang mga tao, binautismuhan din niya si Jesus. Habang nananalangin si Jesus, nabuksan ang langit
22. at bumabâ sa kanya ang Espiritu Santo sa anyong kalapati. Isang tinig mula sa langit ang narinig nila, “Ikaw ang minamahal kong Anak; lubos kitang kinalulugdan.”
23-27a. Magtatatlumpung taon na si Jesus nang siya'y magsimulang magministeryo. Ipinapalagay ng mga tao na siya'y anak ni Jose. Ang kanyang mga ninuno ay sina Eli, Matat, Levi, Melqui, Janai, Jose, Matatias, Amos, Nahum, Esli, Nagai, Maat, Matatias, Semei, Josec, Joda, Joanan, Resa, Zerubabel.
27b-31. Sina Salatiel, Neri, Melqui, Adi, Cosam, Elmadam, Er, Josue, Eliezer, Jorim, Matat, Levi, Simeon, Juda, Jose, Jonam, Eliaquim, Melea, Menna, Matata, Natan.
32-34a. Sina David, Jesse, Obed, Boaz, Salmon, Naason, Aminadab, Admin, Arni, Esrom, Farez, Juda, Jacob, Isaac.
34b-38. Abraham, Terah, Nahor, Serug, Reu, Peleg, Eber, Sala, Cainan, Arfaxad, Shem, Noe, Lamec, Matusalem, Enoc, Jared, Mahalaleel, Kenan, Enos, Set, at si Adan na anak ng Diyos.