71. Gaya ng halamang matinik sa isang hardin, sa halip na katakutan ng mga ibon ay nagiging dapuan. Ang mga diyus-diyosang iyon ay parang bangkay na itinapon sa kadiliman.
72. Ang magagara nilang damit na marupok na at nagkapunit-punit sa katawan ay nagpapatunay na sila'y hindi diyos. Sa wakas, pati ang kanilang katawang kahoy ay uubusin ng anay at magiging katawatawa sila sa buong lupain.
73. Mapalad ang taong may paggalang sa tunay na Diyos. Hindi siya sumasamba sa mga diyus-diyosan, kaya hindi siya malilinlang o mapapagtawanan.