Levitico 19:11-13 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

11. “Huwag kayong magnanakaw, mandaraya, o magsisinungaling.

12. Huwag kayong manunumpa sa aking pangalan kung ito ay walang katotohanan. Iyon ay paglapastangan sa pangalan ng inyong Diyos. Ako si Yahweh.

13. “Huwag ninyong dadayain o pagnanakawan ang inyong kapwa. Huwag ninyong ipagpapabukas ang pagpapasweldo sa inyong mga manggagawa.

Levitico 19