Levitico 15:19-22 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

19. “Ang sinumang babaing nireregla ay pitong araw na ituturing na marumi. Ituturing ding marumi hanggang gabi ang makahawak sa kanya.

20. Ang anumang kanyang mahigaan o maupuan sa loob ng panahong iyon ay ituturing na marumi.

21. Ang sinumang makahipo sa higaan niya ay dapat maligo, lalabhan nito ang kanyang kasuotan, at siya'y ituturing ding marumi hanggang gabi.

22. Ang sinumang makahawak sa anumang maupuan ng babaing ito ay dapat ding maligo, lalabhan niya ang kanyang damit at ituturing siyang marumi hanggang gabi.

Levitico 15