Levitico 13:57-59 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

57. At kung may lumitaw pang ibang mantsa, ang damit ay dapat nang sunugin.

58. Ngunit kung malabhan ang damit, kagamitang yari sa balat o sinulid, at maalis ang mantsa, ito'y lalabhang muli at ituturing nang malinis.”

59. Ito ang tuntunin tungkol sa mga amag ng anumang kasuotang damit o balat upang malaman kung marumi o malinis ang mga iyon.

Levitico 13