Karunungan Ni Solomon 9:1-6 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. “Diyos ng aking mga ninuno, O mahabaging Panginoon,ikaw po na lumikha ng lahat ng bagay sa pamamagitan ng iyong salita.

2. Sa iyong Karunungan, nilikha mo ang sangkatauhanupang maghari sa sangnilikha,

3. upang pamahalaan ang daigdig nang may kabanalan at katuwiran,at pairalin ang katarungan nang may katapatan.

4. Bahaginan mo po ako ng Karunungang nakaluklok sa tabi ng iyong trono,at ibilang mo po ako sa iyong mga lingkod.

5. Ako'y alipin mo, anak ng alipin mong babae,isang taong mahina at maikli ang buhay.Lubhang kakaunti ang pagkaunawa ko sa Kautusan at kung paano iyon papairalin.

6. At kahit na ang isang tao ay maging ganap,wala rin siyang magagawa kung wala siyang Karunungang nagmumula sa iyo.

Karunungan Ni Solomon 9