Karunungan Ni Solomon 6:4-11 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

4. Kung hindi kayo magiging tapat sa inyong pamamahala ng kanyang kaharian,kung hindi ninyo susundin ang Kautusan,at kung hindi kayo mamumuhay ayon sa kanyang kalooban,

5. darating agad siya at kayo'y paparusahan ng mabigat.Walang katulad ang bigat ng parusang inilalaan niya sa mga namumuno at makapangyarihan.

6. Ang mga abâ ay kahahabagan at patatawarin,ngunit ang mga nasa kapangyarihan ay mahigpit na hahatulan.

7. Ang Panginoon ng lahat ay hindi natatakot kaninuman, gaano man ito kadakila.Siya ang may likha sa lahat, sa dakila at sa abâ,kaya't pare-pareho lang ang tingin niya sa lahat.

8. Ngunit mas mahigpit ang paghatol niya sa mga nasa kapangyarihan.

9. Kaya, mga hari, sinasabi ko sa inyo ang mga bagay na itoupang matuto kayo at nang hindi kayo magkasala.

10. Ito ay mga banal na bagay at kung gagamitin ninyo sa paraang banal, kayo rin ay magiging banal.Kapag natutunan ninyo ang mga aral na ito, maipagtatanggol ninyo ang inyong sarili sa Araw ng Paghatol.

11. Kaya nga, pahalagahan ninyo ang aking mga aral;unawain ninyo ito at kayo'y matututo.

Karunungan Ni Solomon 6