Karunungan Ni Solomon 4:18-20 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

18. Pagtatawanan nila ang pagkamatay ng banal,ngunit sa huli'y sila ang pagtatawanan ng Panginoon.Pagkamatay nila, bangkay nila ay hindi pararangalan,at maging sa libinga'y kukutyain sila at kamumuhian ng mga patay magpakailanman.

19. Ibabagsak sila ng Panginoon at sila'y matitigilan.Tulad ng gusali'y mayayanig ang kanilang mga pundasyon,at guguho nang tuluyan.Ganap silang pahihirapan at lubusang malilimutan.

20. Mangingilabot sila kapag inisa-isa ang kanilang mga kasalanan,at kapag ipinamukha sa kanila ang kanilang kasamaan.

Karunungan Ni Solomon 4