2. Pagkakataon lamang ang pagkasilang sa atin;pagkatapos, tayo'y papanaw at parang di isinilang.Ang hininga natin ay tulad lamang ng usok,at ang isipa'y parang tilamsik na mula sa pintig ng puso.
3. Pagtigil ng pintig na iyon, ang ating katawang lupa ay babalik sa alabok,at maglalaho ang ating espiritu kasama ng hanging nagdaraan.
4. Sa kalaunan, malilimot na ang ating pangalan, pati ang ating mga nagawa.Mawawala ang buhay natin, parang balumbon ng mga ulap,matutunaw na parang hamog sa init ng araw.
5. Ang buhay natin ay lumilipas na parang anino,ang araw ng pagkamatay ay hindi maiiwasan,nakatakda na iyon at wala nang makakapagbago.”
6. Sabi pa rin nila, “Kaya nga, magpakasawa tayo sa lahat ng bagay;gaya ng ginawa natin noong tayo'y bata paat magpakasaya tayo sa kagandahan ng sangnilikha.