Karunungan Ni Solomon 2:19-22 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

19. Subukin natin silang kutyain at pahirapan,upang malaman natin kung hanggang saan ang kanilang kabutihang-loob,at kung hanggang kailan sila makakatagal.

20. Subukin nating ilagay sila sa bingit ng kamatayan,dahil ang sabi nila ay iingatan sila ng Diyos.”

21. Iyon ang pangangatuwiran ng masasama, ngunit sila'y nagkakamali,sapagkat binubulag sila ng kanilang kasamaan.

22. Hindi nila nabatid ang lihim na panukala ng Diyos.Hindi sila umasa sa gantimpala ng kabanalan,hindi naisip ang magandang wakas ng malinis na pamumuhay.

Karunungan Ni Solomon 2