14. May mga bayang tumangging magpatuloy sa mga taga-ibang bayan,ngunit ang mga ito ay higit na masama.Inalipin nila ang mga panauhing tumulong sa kanila.
15. Hindi lamang iyon, daranas pa sila ng ibang uri ng parusa,dahil sa masama nilang pagtanggap sa mga taga-ibang bayan.
16. Matapos ipagpista ang pagdating ng mga dayuhan, at ituring na kanilang kapantay,sa bandang huli, ang mga ito'y pinahirapan at inalipin.
17. Silang lahat ay nabulag, tulad ng mga nasa pintuan ni Lot.Nangapa ng kanilang dadaanan matapos pagdimlan ng paligid.