Karunungan Ni Solomon 19:1-5 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Ngunit ang mga taong di kumikilala sa iyo ay walang awa mong inuusig hanggang wakas,pagkat alam mo ang gagawin nila bago pa ito mangyari.

2. Pinayagan nga nilang umalis ang iyong bayan,ngunit pagkatapos ay hinabol din nila.

3. Nagluluksa pa sila sa libingan ng kanilang mga mahal sa buhay,ay may iniisip na naman silang kasamaan.Hinabol nilang parang mga takas na bilanggoang mga taong pinakiusapan nilang umalis.

4. Ang kasawiang nakatalaga sa kanila ang nagtulak sa kanila na iyon ay gawin.Nalimutan nila ang nangyarikaya nalubos ang parusa sa kanila.

5. Sa gayon, nakapagpatuloy ang bayan mo sa kanilang paglalakbay,samantalang ang mga kaaway nila ay inabot ng kamatayang walang katulad.

Karunungan Ni Solomon 19