Karunungan Ni Solomon 18:9-11 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

9. Ang mga tapat na anak ng mabuting bayang ito ay lihim na naghahandog.Nagkaisa silang sumunod sa mga utos ng Diyos at magsama sa hirap at ginhawa.Noon pa'y inaawit na nila ang matatandang awit na ito ng papuri.

10. Samantala, ang panaghoy ng kanilang mga kaaway ay abot sa buong paligid,dahil sa pagkamatay ng kanilang mga anak.

11. Iisa ang parusang iginawad sa alipin at sa panginoon.Iisa ang kapalarang sinapit ng hari at ng karaniwang tao.

Karunungan Ni Solomon 18