11. Iisa ang parusang iginawad sa alipin at sa panginoon.Iisa ang kapalarang sinapit ng hari at ng karaniwang tao.
12. Pare-pareho silang namatayan.Hindi mabilang ang mga bangkay na iisa ang ikinamatay.Kakaunti ang natira sa kanila,at hindi nila kayang ilibing ang napakaraming patay.Sa isang kisap-mata, ang pinakamamahal nilang mga anak ay namatay na lahat.
13. Noong una'y wala silang pinaniniwalaan liban sa kapangyarihan ng kanilang salamangka.Ngunit nang mamatay ang kanilang mga panganay, naniwala rin silang ikaw, O Diyos, ang ama ng bayang Israel.
14. Payapa at tahimik ang lahat,nangangalahati na ang gabi,
15. walang anu-ano'y bumabâ ang makapangyarihan mong mga salita,mula sa iyong maharlikang trono sa langit,pumagitna sa lupaing iyon na itinalaga mong wasakingaya ng mabagsik na mandirigma.
16. Taglay niya ang matalim na tabak ng iyong mga utos.Tumayo siya, ang ulo niya'y abot sa langit,at pinalaganap ang kamatayan sa buong lupain.
17. Walang anu-ano, nakakita sila ng nakakatakot na mga mukha,at sila'y pinagharian ng takot.
18. Kabi-kabila ay may nabubuwal na naghihingalo.Bawat isa'y nagsasabi kung bakit siya namamatay.
19. Ipinagpauna ito sa kanila sa pamamagitan ng isang nakakatakot na panaginip,upang bago sila mamatay ay malaman nila ang dahilan.
20. Ang mga matuwid man ay nakaranas din ng kamatayan sa kanilang paglalakbay sa ilang,ngunit hindi iyon nagtagal at tumigil.
21. Isang taong walang kasalanan ang nagligtas sa kanila noon.Ginawa niya ang nararapat niyang gawin bilang pari.Nanalangin siya at nagsunog ng insenso.Nanindigan siya sa harap ng iyong poot.Ipinakilala niyang siya ay iyong lingkod.
22. Nagtagumpay siya sa poot na iyon,hindi sa pamamagitan ng lakaskundi sa pamamagitan ng panalangin,at pagbanggit sa iyong mga pangako sa kanilang mga ninuno.