1. Ngunit para sa iyong bayang banal, nagniningning ang liwanag.Ang tinig nila'y naririnig ng kanilang mga kaaway ngunit di sila nakikita,at ipinapalagay na mapalad sapagkat di naghihirap.
2. Ang mga kaaway nila'y nagpapasalamat, sapagkat kahit na ginawan ng masama ay hindi gumaganti.Sila'y humingi ng tawad dahil sa kanilang pakikipag-away.
3. Kaya, sa paglalakbay nila patungo sa ibang lupain,sila'y pinasubaybayan mo sa haliging apoy.Parang araw na nagliliwanag ngunit hindi sila nasusunog sa makasaysayang paglalakbay na iyon.