Karunungan Ni Solomon 14:7-13 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

7. Pinagpala ang barkong nagligtas sa katuwiran.

8. Ngunit sinumpa ang diyus-diyosang kahoy na gawa ng kamay ng tao.At sinumpa rin ang mga gumawa niyon,sapagkat inari niyang diyos ang isang bagay na nasisira at gawa lamang ng kanyang mga kamay.

9. Kasuklam-suklam sa Diyos ang masasamang tao at ang kanilang mga ginagawa.

10. Ang gumawa at ang ginawa ay kapwa paparusahan.

11. Ang hatol ng Diyos ay babagsak din sa mga diyus-diyosan.Sapagkat, bagaman mga bagay na likha ng Diyos ang ginamit sa paggawa ng mga larawang iyon,nang mayari na ay naging kasuklam-suklam na bagay—bitag na sanhi ng kapahamakan ng mga kaluluwa ng mga hangal.

12. Ang mga pakikiapid ay nagsimula nang gawin ang mga larawang dinidiyos.Simula nang lumitaw ang mga ito, sumamâ na nang sumamâ ang pamumuhay ng tao.

13. Ang mga ito naman ay hindi kaalinsabay ng taoat hindi rin mananatili magpakailanman.

Karunungan Ni Solomon 14