Karunungan Ni Solomon 13:9-14 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

9. Kung nakayanan nilang pag-aralan ang sansinukob,bakit di nila nakilala ang Panginoong maylikha sa lahat?

10. Ang umaasa sa mga bagay na walang buhay ang pinakahangal sa lahat ng hangal.Silang sumasamba sa mga bagay na likha ng tao:larawan ng mga hayop na yari sa ginto, pilak, o hamak na batong nililok noong unang panahon.

11. May isang mahusay na manlililok.Pumutol siya ng isang punongkahoy, inalisan ng balatat ginawang isang kasangkapan na maaaring pakinabangan ng tao.

12. Pinulot niya ang mga pinagtabasan at ginamit na panggatongsa pagluluto ng pagkain na makakabusog sa kanya.

13. May isang piraso na walang mapaggamitansapagkat balu-baluktot at sanga-sanga.Sa oras na wala siyang ginagawa,maingat niya itong hinuhugisanat ginagawang isang larawan ng tao,

14. o hugis ng isang hamak na hayop.Pinipinturahan niya ito ng pula,at tinatakpan ang mga bahaging may mantsa.

Karunungan Ni Solomon 13