1. Napakahangal ng mga taong hindi nakakakilala sa Diyos.Nakikita nila ang mabubuting bagay sa daigdig, ngunit hindi nila makita ang Diyos na buháy.Pinag-aaralan nila ang kanyang mga nilalang, ngunit hindi nila nakilala ang lumalang sa kanila.
2. Sa halip, ang apoy, ang mabilis na hangin, ang unos,ang mga bituing naglalayag sa kaitaasan,ang rumaragasang tubig at ang mga bituin sa kalangitan,ang kinilala nilang mga diyos na namamahala sa daigdig.