Karunungan Ni Solomon 10:9-13 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

9. Ngunit iniligtas ng Diyos sa panganib ang mga naglilingkod sa Karunungan.

10. Ang Karunungan din ang umakaysa pagtakas ng isang taong matuwid sa galit ng kanyang kapatid.Ipinahayag sa kanya na ang Diyos ang siyang hari,at binigyan siya ng pagkaunawa tungkol sa mga bagay na banal,at pinasagana ang kanyang pamumuhay.

11. Nang siya'y dinadaya at ibig agawan ng kabuhayan,tinulungan muli siya ng Karunungan;at sa bandang huli, siya rin ang yumaman.

12. Iningatan siya ng Karunungan laban sa kanyang mga kaaway,at iniligtas sa mga tumatambang sa kanya.Pinagtagumpay siya sa isang mahigpit na paligsahan,upang ipakilala sa kanya na ang pagiging maka-Diyos, ang tanging makakatulong sa tao.

13. May isang taong matuwid na ipinagbiling alipin;ngunit di siya pinabayaan ng Karunungan.Inilayo siya nito sa pagkakasala at sinamahan hanggang sa bilangguan.

Karunungan Ni Solomon 10