1. Kayong mga namamahala at may kapangyarihan sa daigdig, mahalin ninyo ang katarungan;taimtim ninyong isipin ang Panginoon,at taus-pusong hanapin siya.
2. Matatagpuan siya ng mga hindi nag-aalinlangan sa kanya.Nagpapakita siya sa mga lubos na nagtitiwala sa kanya.
3. Ngunit ang mga baluktot ang isipan ay di makalalapit sa Diyos.Sinumang hangal na mangahas subukin ang kanyang kapangyarihan ay tiyak na mabibigo.
4. Ang Karunungan ay di papasok sa may masamang kalooban,at di mananahan sa pusong alipin ng kasalanan.
5. Ang tunay na nagpapakabanal ay umiiwas sa mga manlilinlang.Lumalayo siya sa lahat ng nagpapahayag ng kahangalan,at di niya matitiis ang anumang pang-aapi o kawalang-katarungan.