19. Subalit nang sila'y magbalik-loob sa kanilang Diyos, nakabalik sila mula sa mga pook na kanilang pinagkatapunan. Nakuha nilang muli ang Jerusalem na kinaroroonan ng kanilang templo, at nanirahan sila sa kaburulan sapagkat walang nananahan doon.
20. “Kaya nga, panginoon ko, kung may nagawang masama ang mga taong ito at sila'y sumusuway sa kanilang Diyos, at kung mapatunayan nga nating sila'y nagkasala, sumalakay tayo at digmain sila.
21. Ngunit kung wala silang kasamaang ginawa, hayaan natin sila sapagkat sila'y tiyak na tutulungan ng kanilang Diyos at tayo ang pagtatawanan ng lahat.”