Judith 3:1-5 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Kaya nga, ang mga ito'y nagpadala ng mga sugo para makipagkasundo kay Holofernes.

2. Ang sabi nila, “Mga alipin ninyo kami, Haring Nebucadnezar; nagpapatirapa kami sa inyong harapan tanda ng aming pagpapailalim sa anumang mamarapatin ninyo.

3. Nasa inyong pagpapasya ang lahat ng aming toldang tinatahanan, mga bukirin ng trigo, kawan ng mga alagang hayop, at ang buong lupaing sakop namin. Gawin ninyo ang anumang inyong nais.

4. Kayo na rin ang bahala sa aming mga lunsod at sa mga mamamayan.”

5. Pagkaalis ng mga sugong nagdala ng pasabing ito,

Judith 3