Judith 16:9-22 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

9. Sandalyas na suot, kay gandang pagmasdan,lalong nagayuma, mabunying heneral,ang naging kapalit nito'y kanyang kamatayan.

10. Sa tapang ni Judith, ang taga-Persia ay namangha,nanginginig ang mga Medo sa kanyang ginawa.

11. Ang bayang Israel, sumigaw sa tuwa,nahango sa wakas, sa buhay na abâ.Ang mga kaaway ay pawang nangalat,dahilan sa takot, sila'y nagsitakas.

12. Kami ay nagbuhat sa lahing alipin,ngunit ang kaaway, natakot sa amin,maraming napatay nang aming tugisin,ang hukbo ng Diyos, ang kasama namin.

13. “Ako ay aawit ng bagong awitin,ikaw, Panginoong Diyos, aking pupurihin;ang taglay mong lakas, di kayang lupigin.

14. Bayaang maglingkod ang mga nilalang,silang sa utos mo'y nagtamo ng buhay,nang ang ilong nila ay iyong hingahan,kaya itong madla'y dapat kong igalang.

15. Kapag ika'y lumapit, bundok, karagatan,pawang manginginig, hindi mapalagay,maging mga bato'y pawang natutunaw.Ngunit sa sinumang masunuring tunay,ika'y nahahabag, lubos na nagmamahal.

16. Panginoon nati'y lalong nagagalak, sa sinumang taong masunuri't tapat,higit pa sa handog, kahit na anong sarap, na kung sinusunog ay humahalimuyak.

17. Alinmang bansang sa ati'y lumaban,tiyak na hahantong sa kapahamakan.Sila'y hahatulan ng Diyos na Panginoon.Pagsapit ng Araw nitong Paghuhukom;sila'y tutupukin, uod ay lilitaw,tatangis sa dusang walang katapusan.”

18. Pagkaraan nito, ang mga tao'y pumunta sa Jerusalem upang sumamba sa Diyos. Nagsipaligo muna sila, saka nag-alay ng mga handog na susunugin, mga kusang-loob na handog at iba pang kaloob.

19. At bilang pag-aalay ng panatang hain sa Diyos, inihandog ni Judith ang lahat ng ari-arian ni Holofernes na ibinigay sa kanya ng mga tao, pati na ang kulambong kinuha niya sa higaan nito.

20. Tumagal ng tatlong buwan ang kanilang pagdiriwang sa Jerusalem, sa harap ng santuwaryo, at si Judith ay nakiisa sa kanila.

21. Nang matapos ang pagdiriwang nagsiuwi na sila. Si Judith nama'y bumalik sa Bethulia at namalagi sa kanyang asyenda. At hanggang sa huling araw ng kanyang buhay, natanyag siya sa buong bansa magmula nang mangyari ang ginawa niyang kabayanihan.

22. Marami ang nanligaw sa kanya subalit hindi na siya nag-asawa pang muli nang mamatay ang asawa niyang si Manases.

Judith 16