Judith 12:18-20 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

18. Sumagot si Judith, “Talagang iyan po ang gagawin ko, aking panginoon. Ito na ang pinakadakilang araw sa buong buhay ko.”

19. Pagkatapos, kinuha niya ang inihanda ng kanyang lingkod, at siya'y kumain at uminom sa harapan ni Holofernes.

20. Tuwang-tuwa naman si Holofernes sa babae at napakaraming alak ang nainom niya nang sandaling iyon, higit kailanman sa buong buhay niya.

Judith 12