Judith 10:9-12 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

9. Pagkatapos ay sinabi sa kanila, “Pabuksan na ninyo ang pinto at ako'y lalabas upang gawin ang napag-usapan natin.” Iniutos nga nila sa mga kabataang lalaki na buksan ang pinto

10. at lumabas si Judith, kasama ang kanyang lingkod. Sinundan siya ng tingin ng mga kalalakihan sa bayan habang bumababa ng burol hanggang sa makatawid ng kapatagan at hindi na nila makita.

11. Nang ang dalawang babae ay dumadaan sa kapatagan, nasalubong nila ang isang pangkat ng mga kawal na taga-Asiria na nagpapatrolya.

12. Pinigil nila si Judith at tinanong, “Anong lahi ka? Saan ka nanggaling, at saan ka pupunta?”Sumagot si Judith, “Ako'y isang Hebreo, ngunit tumakas ako sa aking bayan sapagkat sila'y mahuhulog sa inyong mga kamay at masasawi.

Judith 10