Juan 7:29-32 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

29. ngunit nakikilala ko siya, sapagkat sa kanya ako nagmula, at siya ang nagsugo sa akin.”

30. Nais na siyang dakpin ng ilang naroroon, ngunit walang nangahas sapagkat hindi pa dumarating ang tamang panahon.

31. Marami sa mga tao ang nanalig sa kanya. Ang sabi nila, “Pagparito ng Cristo, makakagawa kaya siya ng mga himalang higit pa sa mga ginawa ng taong ito?”

32. Nakarating sa mga Pariseo ang usap-usapan ng mga tao tungkol kay Jesus, kaya't inutusan nila at ng mga punong pari ang ilang bantay sa Templo upang dakpin si Jesus.

Juan 7