31. Sinabi sa kanila ni Pilato, “Dalhin ninyo siya at hatulan ayon sa inyong batas.”Subalit sumagot ang mga Judio, “Wala po kaming kapangyarihang humatol ng kamatayan kaninuman.”
32. Sa gayon, natupad ang sinabi ni Jesus nang ipahiwatig niya kung sa anong paraan siya mamamatay.
33. Si Pilato ay pumasok uli sa palasyo at ipinatawag si Jesus. “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?” tanong niya.
34. Sumagot si Jesus, “Iyan ba'y sarili mong palagay, o may ibang nagsabi sa iyo?”