Juan 11:43-46 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

43. Pagkasabi nito ay sumigaw siya, “Lazaro, lumabas ka!”

44. Lumabas nga si Lazaro na nababalot ng telang panlibing ang mga kamay at paa; may nakatakip ring tela sa mukha. Inutos ni Jesus sa kanila, “Kalagan ninyo siya at nang makalaya.”

45. Marami sa mga Judiong dumalaw kina Maria ang nakakita sa ginawa ni Jesus, at sumampalataya sila sa kanya.

46. Ngunit may ilan sa kanila na pumunta sa mga Pariseo at ibinalita ang ginawa ni Jesus.

Juan 11