Juan 10:27-31 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

27. Nakikinig sa akin ang aking mga tupa; nakikilala ko sila, at sumusunod sila sa akin.

28. Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan. Kailanma'y hindi sila mapapahamak at hindi sila maaagaw sa akin ninuman.

29. Ang aking Ama na siyang nagbigay sa kanila sa akin ay lalong dakila sa lahat, at hindi sila maaagaw ninuman sa aking Ama.

30. Ako at ang Ama ay iisa.”

31. Ang mga pinuno ng mga Judio'y muling dumampot ng bato upang batuhin siya.

Juan 10