Josue 19:30-33 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

30. Uma, Afec at Rehob—dalawampu't dalawang lunsod, kasama ang mga nayong sakop nila.

31. Ang mga lunsod at nayong ito ang naging bahagi ng mga angkan ng lipi ni Asher.

32. Napunta naman sa lipi ni Neftali ang ikaanim na bahagi.

33. Buhat sa Helef, sa gubat ng mga punong roble sa Zaananim, ang hangganan nito'y nagtungo sa Adamineceb, lumampas ng Jabneel, nagtuloy sa Lacum at nagtapos sa Jordan.

Josue 19