23. Sapagkat sa parusa ng Diyos ako'y natatakot,hindi ko kayang gawin ang gayong gawaing baluktot.
24. “Kung ako ay umasa sa aking kayamanan,at gintong dalisay ang pinanaligan;
25. kung dahil sa tinatangkilik, ako ay nagyabang,o nagpalalo dahil sa aking kayamanan;
26. kung ang araw at ang buwan ay aking sinamba;
27. kung ako'y natangay kahit na lihim lamang,o nagpugay kaya sa sarili kong kamay;