19. Kung paanong ang yelo ay natutunaw sa tag-init,gayundin ang masama, naglalaho sa daigdig.
20. Kahit ang kanyang ina sa kanya'y nakakalimot;parang punong nabuwal, inuuod at nabubulok.
21. Pagkat inapi niya ang babaing di nagkaanak,at ang mga biyuda ay kanyang hinamak.
22. Winawasak ng Diyos ang buhay ng malalakas;kapag siya ay kumilos, ang masama'y nagwawakas.
23. Hayaan man ng Diyos na mabuhay ito nang tiwasay,sa bawat sandali, siya'y nagbabantay.