Job 22:19-23 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

19. Natutuwa ang matuwid, ang mabuti'y nagagalakkapag nakita nilang ang masama'y napapahamak.

20. Sabi nila, ‘Ang mga kaaway nati'y nalugmok,at ang mga ari-arian nila ay natupok.’

21. “Sumang-ayon ka sa Diyos, makipagkasundo ka sa kanya,ang buhay mo'y gaganda at magiging maginhawa.

22. Makinig ka sa kanyang itinuturo,mga sinasabi niya'y itanim mo sa iyong puso.

23. Manumbalik ka sa Makapangyarihan, ikaw ay magpakumbabá,at alisin mo sa iyong tahanan lahat ng gawaing masama.

Job 22