2. “Hanggang kailan ninyo ako pahihirapansa mga salitang inyong binibitawan?
3. Maraming ulit na ninyo akong nilait,di na kayo nahiya na sa aki'y magmalabis.
4. Kung nakagawa man ako ng kasalanan;walang ibang mananagot kundi ako lamang.
5. Akala ninyo kayo'y mas mabuti kaysa akin,pinagbabatayan ninyo'y ang hirap kong pasanin.
6. Dapat ninyong malaman, ang Diyos ang may gawa nito;ang bitag niyang iniumang ay nasa paligid ko.
7. Tumututol ako sa ganitong karahasan,ngunit walang nakikinigsa sigaw kong katarungan.
8. Hinarangan ng Diyos ang aking daraanan;binalot niya ng dilim ang landas kong lalakaran.
9. Inalis niyang lahat ang aking kayamanan,sinira pa niya ang aking karangalan.
10. Saanman ako bumaling, ako'y kanyang pinapalo,parang punong binunot, pag-asa ko'y natutuyo.
11. Matindi ang galit ng Diyos sa akin;isang kaaway ang sa aki'y kanyang turing.