Job 18:13-17 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

13. Nakamamatay na sakit, sa katawan niya'y kumakalat,mga bisig at paa niya'y unti-unting naaagnas.

14. Dati siya'y panatag sa kanyang tahanan;ngayo'y kinakaladkad patungo kay Kamatayan.

15. May iba nang nakatira doon sa dati niyang tahanan,matapos malagyan ng gamot at malinis nang lubusan.

16. Ang kanyang mga ugat at mga sanga, lahat ay natuyo at pawang nalanta.

17. Lahat niyang alaala ay napawi nang lubusan;nakalimutan nang lahat pati kanyang pangalan.

Job 18