Jeremias 46:15-21 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

15. Bakit tumakas ang itinuturing na malakas na diyus-diyosang si Apis?Bakit hindi siya makatayo?Sapagkat siya'y ibinagsak ni Yahweh.

16. Nalugmok ang maraming kawal;ang wika nila sa isa't isa,‘Umurong na tayo sa ating bayanupang tayo'y makaiwas sa tabak ng kaaway.’

17. “Ang Faraon ng Egipto ay tawagin ninyong‘Ang maingay na ugong na nagsasayang ng panahon.’

18. Sinasabi ng Hari na ang pangala'y Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat.Ako ang buháy na Diyos!Gaya ng Tabor sa gitna ng mga bundok,at ng Carmelo sa may tabing-dagat,gayon ang lakas ng isang sasalakay sa inyo.

19. Mga taga-Egipto, ihanda ninyo ang inyong sarili sa pagkabihag!Mawawasak at guguho ang Memfis,at wala isa mang maninirahan doon.

20. Ang Egipto'y gaya ng isang magandang bakang dumalaga,ngunit dumating sa kanya ang isang salot buhat sa hilaga.

21. Pati ang kanyang mga upahang kawalay parang mga guyang walang kayang magtanggol.Nagbalik sila at magkakasamang tumakas,sapagkat sila'y hindi nakatagal.Dumating na ang araw ng kanilang kapahamakan;oras na ng kanilang kaparusahan.

Jeremias 46