Jeremias 42:9-12 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

9. Sinabi niya sa kanila, “Ganito ang sabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, tungkol sa inyong kahilingan:

10. Kung kayo'y mananatili sa lupaing ito, pagpapalain ko kayo at hindi ipapahamak; itatanim at hindi bubunutin. Nalulungkot ako dahil sa kapahamakang ipinadala ko sa inyo.

11. Huwag kayong matakot sa hari ng Babilonia sapagkat ako'y sasainyo at ililigtas ko kayo.

12. Kaaawaan ko kayo upang kaawaan din niya at payagang manatili sa inyong lupain.

Jeremias 42